Una sa Balita

Lider ng gun for hire, 1 pa todas sa Rizal shootout

By ,
0 149

PATAY ang dalawang ­la­laki kabilang ang lider ng isang gun for hire group na responsable sa ilang patayang naganap sa Antipolo City nitong nakaraang Mayo matapos­ ang naganap na shootout laban sa pulisya ­kamakalawa nang hapon sa Binangonan, Rizal.

Dead on-the-spot ang mga suspek na sina Jeffrey Landingin, lider ng Landingin Gun for Hire Group, at Richard Alcantara matapos na maki­pagbarilan ang mga ito sa mga tauhan ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office (PRO) 4-A.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang kalibre .45 baril, isang super 38, at isang caliber .40 gayundin ang mga bala nito.

Abante Hiring – IT dep

Base sa ulat na isinumite ni Sr. Supt. Lou Frias Evangelista, Rizal Provincial Director kay PRO 4-A Regional Director Chief Supt. Edward Carranza, naganap ang insidente dakong alas-3:45 nang hapon sa Benjies Apartelle sa kahabaan ng Manila East Road sakop ng Brgy. Pantok, Bina­ngonan, Rizal.

Nauna dito, dakong alas-11:00 nang umaga nang mamataan ng awtoridad ang kulay asul na Honda Accord na may plakang MUS-777 na sinasakyan ng mga suspek.

Binuntutan ng mga pulis ang sasakyan hanggang sa umabot sila sa nabatid na apartelle na hideout­ ng mga suspek at nang makahalata ang mga ito ay pinaputukan ang mga pulis hanggang sa mauwi sa ­engkuwentro.

Ayon kay Evangelista,­ ang grupo­ ni Landingin ang ­responsable sa pagpatay kina Col. Ramy Tagnong, chief legal officer ng PRO 4-A, Pinatong Bukawe, San Mateo, Rizal Barangay­ Chairman Danilo Laciste, at retired police officer Rody Lico, na tumakbo namang barangay chairman nitong nakaraang eleksyon. Edwin Balasa,Vick Aquino