Una sa Balita

Lider ng criminal group, 1 pa patay sa Caloocan

0 430

KAMATAYAN ang kinahantungan ng lider at isa pang miyembro ng grupo na sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga at pagbebenta ng baril sa Caloocan City kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing mga suspek na sina Nelson Lorenzo, lider ng grupo, at Mike Sultan, habang nasakote naman ang mga kasamahan nilang sina Julius Abeja, Imelda Navida, Randy Camsalim, at Jesus Maclang.

Nagkasa ng buy-bust operation ang pulis­ya laban sa grupo sa Bagong Silang, Caloocan City dakong alas-3:30 Sabado nang hapon.

Isang operatiba ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng kalib­re .38 baril kay Lorenzo sa halagang P3,500 subalit sa gitna ng transaksyon ay nakahalata ito na pulis ang kanyang katransaksyon dahilan upang bumunot ito ng baril at paputukan ang awtoridad na nagresulta sa kamata­yan nito at ni Sultan.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 baril, isang sumpak o improvised shotgun, mga sachet ng shabu na tinatayang aabot sa 100 gramo na may street value na P200,000. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy