Una sa Balita

Lider ng carnapping-gunrunning syndicate utas sa Caloocan

0 402

PATAY ang sinasabing lider ng isang carnapping-gunrunning syndicate na kumikilos sa Camanava area, makaraang manlaban sa mga awtoridad sa Caloocan City, Miyerkoles nang madaling-araw.

Base sa isinumiteng ulat kay Northern Police District (NPD) Director Chief Supt. Rolando Anduyan, napatay noon din ang suspek na kinilalang si Romeo Carlos Jr. alyas Eman, 36-anyos at residente ng Block 33, Lot 4, G. Hipon St., Barangay 12, Caloocan City.

Nagtamo ang suspek ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa nakalap na impormasyon ng Abante, ala-1:12 nang madaling-araw nang ikasa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group at District Field Unit ng NPD ang buy-bust operation sa lugar ng suspek kung saan isang pulis ang nagkunwaring bibili sa kanya ng baril sa halagang P19,000.

Nakatunog umano ang suspek at nanlaban na nagresulta sa kamatayan nito.

Nasamsam mula sa suspek ang naturang baril na may limang bala at limang piraso ng plastic sachet ng shabu na may market value na P15,000.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy