Una sa Balita

Lider, 2 galamay ng gun-for-hire bulagta sa Batangas checkpoint

0 506

BUMULAGTA ang tumatayong lider at dalawa pang miyembro ng isang gun-for-hire group matapos makaengkuwentro ang mga pulis sa isang checkpoint sa Taysan, Batangas kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office, kinilala ang mga nasawing suspek na sina Solomon Panal y Lacaba, Virgilio Hernandez y Cantuba at Efren Cruzada y Maranan, mga miyembro umano ng Panal gun-for-hire group na pinamumunuan ng isa sa napatay na si Solomon.

Naganap ang engkuwentro bandang alas-9:15 ng umaga sa Barangay Bilogo matapos hindi ihinto ng mga ito ang kanilang sinasakyang Toyota Hi-Ace van na may plate number RDJ 679 sa checkpoint ng mga pulis at sa halip ay pinaputukan ang mga awtoridad at saka mabilis na humarurot ­papalayo.

Nagkaroon ng maiksing habulan at palitan pa ng putok na nagresulta sa agarang pagkamatay ng tatlo.

Ayon pa sa pulisya, ang grupo ay sangkot sa mga kaso ng robbery at gun-for-hire na nag-o-operate sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna, Bulacan, ­Pampanga at maging sa Metro Manila.

Bago naganap ang engkuwentro, ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya, sinasabing nagsasagawa ng surveillance ang grupo para sa isang hindi pa matukoy na negosyante na balak likidahin ng mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy