Una sa Balita

Licuanan inunahan si Digong, nag-resign

By , ,
0 2,016

Inunahan na ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ipahayag sa mga empleyado ng ahensiya ang kanyang pagbibitiw sa puwesto sa kanilang flag-raising ceremony kahapon ng umaga.

 “Over the weekend I received a call from Executive Secretary Salvador Medialdea asking me to resign as chairperson of the Commission on Higher Education. While my term by law ends in July 2018, I have decided it is time to go. It has become obvious there are persons determined to get me out of CHED by hurling false and baseless accusations against me in what appears to be a fishing expedition and a well orchestrated move in media,” ayon kay Licuanan.

Hindi idinetalye ni Licuanan kung ano ang kanilang pinag-usapan ni Medialdea pero pinasinungalingan nito ang akusasyon sa kaniya ni Puwersa ng Bayaning Atleta Party-list Rep. Jericho Nograles na sobra-sobra ang biyahe niya sa ibang bansa.

Idinepensa pa ni Licuanan ang mga biyahe niya at sinabing nagbukas ito ng mas marami pang oportunidad upang mapalakas ang kalidad ng higher education sa bansa.

“I was first accused of excessive travel. When records revealed I travelled eight times officially in 2017 (with only five of these trips paid for by government), five times in 2016, six times in 2015, two times in 2014, and only three times in 2013, the accusation turned to travel without authority from the Office of the President,” ayon pa kay Licuanan.