Una sa Balita

Libya at Iran galit kay Trump

By
0 2

Ikinagalit ng Libya at Iran ang panibagong travel ban na inilabas ni United States President Donald Trump.

Nabatid na hindi nagustuhan ng gobyerno ng Iran at Libya, ang panibagong 90-days na pagbabawal sa kanila na makapasok sa US kasama ang bansang Yemen, Sudan, Somalia at Syria.

Ayon sa panibagong travel advisory ng Trump administration, tinanggal na ang bansang Iraq sa mga mamamayan na sakop ng ban dahil sa mas pi­naigting ng kanilang pamahalaan ang visa screening at data sharing.

Gayundin ,tinanggal na rin ang pag-ban sa mga Syrian refugee, hindi na rin maaapektuhan ang mga green card holders na makapasok sa Amerika at wala ring ipinapatupad na pagpabor sa mga ibang relihiyon hindi gaya ng naunang travel ban na target ang mga religious minorities.