Una sa Balita

Libu-libo, nagpatala sa job fair sa GenTri 

0 2

GEN. TRIAS CITY — Libu-libo ang nagpatala sa ginanap na Job Fair sa Robinson’s Place GenTri para sa local and overseas employment na handog ng tanggapan ni Mayor Antonio ‘Ony’ Ferrer at local PESO.

Umabot sa mahigit 50 local companies at abroad ang nakilahok sa nasabing job fair, na nakapagtala ng 3,227 walk-in applicants, at 2,921 dito ay nag-qualified at may 204 dito ang na-hired on the spot.

Habang 304 naman sa overseas ang nagpatala at 101 dito ang na-qualified at may natanggap agad na tatlong aplikante.

Nakilahok ang mga government agencies na SSS, Pagibig, NSO, Philhealth, at cedula upang mapabilis ang kanilang pagkuha ng mga requirements sa paghahanap ng trabaho.

Ang nasabing job fair ay taunang proyekto ni Mayor Ferrer at ng PESO.