Una sa Balita

Libreng WiFi sa QC pinagana

By
0 420

Mayroon ng libreng public WiFi spot sa Quezon City.

Pinangunahan ni Quezon City Rep. Winston Castelo kahapon, Abril 29, 2019 ang paglulunsad ng libreng WiFi sa terminal ng tricycle o ang Don Antonio Village Tricycle Operators and Drivers’ Association (DAVTODA).

Sa ganitong paraan ay mas mara­ming kababayan ang mabibiyayaan ng libreng access sa internet.

Katuwang ng QC gov’t ang Airlight Technology Solutions sa proyekto.

Ang naturang kompanya ang responsable sa instalasyon ng mga WiFi access point sa Philippine Science High School.

Batay kay Airlight President Leo San Miguel, mayroong .5 percentage na pagtaas sa gross domestic product (GDP) para sa karagdagang isang porsiyento ng populasyon na mabibigyan ng pagkakataon na maka-access sa World Wide Web.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy