Una sa Balita

Libreng wi-fi, puwede na credit card Taytay tiangge hi-tech na

0 314

No hassle na sa pagdadala ng mga cash at pagpo-post ng mga pictures sa mga makukulay na da­mit sa loob ng tiangge, ito ay dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya ng Taytay local go­vernment unit.

Libreng wi-fi para sa social media posting at maaari na ring magbayad sa pamamagitan ng credit card na kung saan ay hindi na mahihirapan pang mamili, magbilang ng sukli­ at iwas pa sa magna­nakaw.

Ito ang bagong technique na ibinibida nga­yon ni Taytay Mayor Joric Gacula.

Ayon sa alkalde, malaking kaluwagan sa mga mamimi­li ang hindi pagdadala ng cash, partikular ito sa mga negosyante na kung saan ay naglaan sila ng credit card machine at less hassle pa.

Para naman sa mga kabataang negosyante, libre ang pagpo-post ng mga da­mit.

Kung may nais silang i-post para ibenta ay hindi na sila mahihirapan sa signal dahil naglaan na ang Taytay LGU ng libreng wi-fi.

Sa kabila ng pagdagsa ng mga mamimili, negosyante at bisita sa bayan ng Taytay, mahigpit na ipinatutupad ngayon ang Discipline Zone sa loob at labas ng Taytay Tiangge.

Ayon kay Mayor Gacula, umaabot na sa mahigit 6,000 stall owners ang makikita sa loob ng tiangge na nagbebenta ng mga damit,­ textile, sapatos, bag at iba pa sa murang halaga at de kalidad na produkto, ito ay dahil ang mga mananahi na taga-Taytay ang magmamantine ng mga produkto.

Naglaan din sila ng tatlong shift na mga traffic enforcers na magma­mando sa daloy ng trapiko at dala­wang shifting­ naman para sa pag­hahakot ng basu­ra.

Sinisiguro ng ni Mayor Gacula na mas angat pa ang Taytay hindi lamang sa kanilang ipinagmamalaking tiangge kundi sa mga programa at proyekto na ini­laan para sa ba­yan na kung saan ay kinilala na ang Taytay ng tatlong beses sa Seal of Good Governance ng DILG. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More