Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Libreng unli-sakay sa MRT puwede

0 162

Libre ang sakay sa lahat ng istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) mula Taft Avenue station sa Pasay City hanggang North Ave. station sa Quezon City mula kahapon, March 28 hanggang April 30.

Bukas ang MRT-3 ng alas-4:40 ng madaling-araw hanggang huling biyahe ng alas-10:10 ng gabi na kung saan ay matitikman ang libreng sakay at bagong serbisyo mula sa mga staff ng bawat istasyon.

Maaaring gamitin ang valid stored value o beep card upang makasakay satren. Kailangan lamang i-tap ang card sa ticket gate upang makapasok at makalabas ng platform. Walang mababawas sa card balance ng pasahero at kung walang beep card, magpunta sa ticket booth upang makakuha ng single journey ticket na siyang ita-tap sa gate upang makapasok sa platform. Kailangang i-insert ang ticket sa ticket gate inlet upang makalabas ng platform. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.