Una sa Balita

Libreng sakay sa transport strike

By , ,
0 314

Dalawampung bus ang ididispatsa ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) para bigyan ng libreng sakay ang mga pasaherong maaapektuhan ng dalawang araw na tigil-pasada ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) bukas at sa Martes (Oktubre 16 at 17).

Ayon kay LTFRB board member at spokesperson Aileen Lizada, karagdagan ito sa mga bus at military trucks o ang tinaguriang Kalayaan Rides na ipabibiyahe rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Tinukoy ni Lizada ang mga lugar na magsisilbing staging area kung saan pupuwedeng makasakay ng bus kabilang ang Monumento, sa harap ng southbound ng MCU; SM Marikina; Luneta Parade Ground; HK Sun Plaza Southwest Integrated Provincial sa Pasay City; TechnoHub Quezon City; MMDA parking lot at Camp Aguinaldo.

Sa Maynila ay inalerto na rin ni Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang lahat ng emergency units ng siyudad para alalayan ang publiko at motorista sa dalawang araw na nationwide transport strike.

Magbibigay aniya ng mga libreng sakay, ambulansya at rescue teams ang Maynila pati na rin mga pulis sa mga pangunahing lansangan para tulungan ang publiko. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy