Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Libreng sakay sa mga frontliner, APOR dinagdagan pa

0 39

Dinagdagan pa ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay na kanilang ipinagkakaloob para sa mga medical frontliners, essential workers at authorized persons outside residence (APOR).

Nabatid na hindi na lamang sa Metro Manila nagkakaloob ng libreng sakay ang DOTr para sa mga frontliners at APORs ang DOTr, kundi maging sa iba pang rehiyon na rin sa bansa.

Ayon sa DOTr, kung dati ay sa Metro Manila lamang available ang libreng sakay, ngayon ay nagkakaloob na rin sila ng libreng sakay sa Region 1, Region 2 at Region 10.

Sa Metro Manila, nagkakaloob ang DOTr ng libreng sakay sa 17 ruta kabilang ang 1) Alabang – Zapote, 2) Baclaran – NAIA Baltao, 3) Buendia – PITX, 4) Cubao (Diamond) – Roces (PANTRANCO), 5) Cubao Rosario – Sta. Lucia, 6) EDSA Busway, 7) Gasak – Divisoria, 8 ) Gasak – Recto, 9) Lagro – QMC, 10) Munoz – Quiapo, 11) Nichols – MOA, 12) Nichols – Vito Cruz, 13) Novaliches – Malinta via Paso De Blas & Vice Versa, 14) Parang Marikina – Cubao, 15) Pasig Palengke to Bagumbayan via San Joaquin, 16) QMC Loop, at sa 17) Quezon Avenue – 5th Avenue LRT.

Ang libreng sakay sa mga frontliner at APOR ay muling umarangkada noong Lunes, Setyembre 13, ay nakapailalim sa Service Contracting Program ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.