Una sa Balita

Libreng sakay sa mga bebot palpak sa MRTirik

0 412

HASSLE ang handog­ na libreng sakay sa kababaihan ngayong­ International­ Women’s­ Day matapos na dalawang beses tumirik ang isang tren ng Metro Railway Transit Line 3 (MRT-3) na kung saan nasa 250 pasahero ang pinababa, kahapon.

Ayon sa abiso ng MRT-3, isang tren mula sa southbound ng Buendia Station ang nakaranas ng electrical failure bandang 12:52 nang tanghali at sa hindi inaasahang aberya ay nasa 250 na mga pasahero ng tren ang pinababa upang palitan ang nagkaproblemang tren.

Samantala nagkaroon din ng technical problem ang nasirang­ tren sa panimulang biyahe nito bandang alas-sais nang umaga sa North Avenue Station kaya hindi muna pinasakay ang mga pasahero.

Pansamantalang itinigil ang operas­yon ng MRT-3 dahil sa technical problem na nakita sa Santolan station kung saan ay mahabang pila naman ang nakita sa labas ng istasyon ng MRT sa EDSA.

Inabot ng alas-siyete nang umaga ang mahabang pila na karamihan sa mga pasahero ay kababaihan na nag-avail ng libreng sakay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy