Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Libreng sakay handog sa Caraga frontliner

0 53

Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Caraga nitong Lunes, ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga frontline health worker sa buong rehiyon.

Sa ulat, sinabi ni Ma. Kristina Cassion, LTFRB-Caraga OIC Regional Director na una nilang seserbisyuhan ang mga health workers na may rutang Kitcharao, Agusan del Norte hanggang Agusan del Norte Provincial Hospital.

Ayon kay Cassion, sa pamamagitan nito ay matutulungan nila ang magigiting na frontliner partikular na ang mga walang masakyan makapaghatid lang ng kanilang serbisyo-publiko.

Sa ngayon aniya ay matatapos na ang proseso sa iba pang ruta kaya asahang maipapatupad din nila ang libreng sakay sa mga health workers sa iba pang lugar sa rehiyon sa mga susunod na araw.

Kasabay nito ay siniguro ng lady official na mahigpit nilang babantayan ang programa upang matiyak na sumusunod lahat ng operators at drivers sa kanilang naging kasunduan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.