Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Libreng medical checkup bill tinulak 

0 151

Muling inihain sa Kamara ang panukalang pagbibigay ng libreng taunang medical checkup sa lahat ng Filipino upang maagapan ang mga sakit bago lumala.

Inihain ni Anakalusugan party-list Rep. Ray Florence Reyes ang House Bill 430 na katulad ng panukala na inihain ni da¬ting Anakalusugan Rep. Mike Defensor noong 18th Congress.

Ang panukala ni Defensor ay naaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa pero hindi natapos ng Senado.
Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng Pilipino ay bibigyan ng libreng checkup na may kasamang blood sugar at cholesterol test na siyang pinagbabatayan sa maraming sakit.

Ang panukala ay ipatutupad ng Department of Health (DOH) sa tulong ng Philippine Health Insurance Corporation. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.