Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Libreng laptop, internet bigay sa mga estudyante

0 137

Maghahain si Senador Sherwin Gatchalian ng panukalang batas na layong magbigay ng laptop at internet connectivity sa bawat mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Tinukoy ni Gatchalian ang isang pag-aaral ng Center for Educational Measurement (CEM) sa naging resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), kung saan lumabas na ang pagkakaroon ng access sa computer at internet ay may malaking epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa CEM, 60 porsyento ng mga mag-aaral na nakilahok sa PISA ay walang computer at internet access sa kanilang mga tahanan. Karamihan sa mga mag-aaral na ito ay nakakuha ng mababang marka sa PISA.

Sabi pa ni Gatchalian, kailangan nang gawing bahagi ng programang pang-edukasyon ang distance learning upang maipagpatuloy ang edukasyon sa panahon ng mga krisis at kalamidad tulad ng pandemya ng COVID-19 at mga nagdaang bagyo.

“Walang batang dapat maiwan dahil lang sa wala silang magamit na computer o kaya naman ay wala silang koneksiyon sa internet. Ito ay isang hamon sa ating pamahalaan,” pahayag ng chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.(Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.