Una sa Balita

Libreng gamot, libing ng mga residente sa QC sasagutin

0 306

Good News.
Matapos malaman na mara­ming pamilya na may mga sakit na high blood at diabetes ang hindi na naka­bibili ng kanilang mga gamot, isinulong ni Quezon City Councilor Imee Rillo ang programang pangkalusu­gan kabilang na ang regular na pamamahagi ng mga maintenance medicine sa mga karapat-dapat na constituent sa lungsod.

Ayon sa konsehal, una dito ay nagsagawa ang kanyang tanggapan ng survey sa kanilang mahihirap na mga constituent na may mga sakit o may iniinom na maintenance medicine, nalaman nila na karamihan dito hindi na bumibili ng gamot dahil mas nais umanong unahin ng mga ito ang malagyan ng pagkain ang kanilang kumakalam na sikmura.

At upang matugunan ang problema, isang memorandum of agreement (MOA) ang nilagdaan ni 4th District Quezon City Councilor Imee Rillo sa apat na ospital na pinatatakbo ng gobyerno na aayuda sa medikal at pagpapalibing ng mahihirap na residente ng lungsod.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More