Una sa Balita

Libreng edukasyon, magandang trabaho

By
0 1,309

Ang de-kalidad na edukasyon at training para sa lahat ay pundasyon po nang matatag at magandang trabaho. Kaya’t natutuwa po tayo dahil mas maraming Filipino ang makikinabang sa libreng college at tech-voc sa pagbubukas ng klase ngayong buwan ng Hunyo.

Wala na pong babayarang tuition at miscellaneous fee ang mga estudyante ng state at local universities and colleges at mga tech-voc institution simula ngayong pasukan.

Bunga po ito ng napakagandang batas na sinulong natin sa Kongreso, ang RA 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.

Abante Hiring – IT dep

Nilagdaan po ng CHED ang implemen­ting rules and regulations (IRR) para sa pagpapatupad ng naturang batas noong nakaraang Marso. Sakop po nito ang 112 SUC, 78 LUC at mga tech-voc school.

Noong 2017, may nauna na pong P8.3 bil­yong pambayad sa tuition ng mga mag-aaral sa SUC. Ngayong Hunyo, sisimulan naman po ang libreng miscellaneous fee na kalimitang pinuproblema ng mga mag-aaral tulad ng bayad sa library, computer o laboratory, medical at dental service, guidance service at maging ang pagkuha ng school ID.

Ngayong first year of implementation o school year 2018-2019, may P40 bilyon pong inilaan sa budget kung saan P16 bil­yon ang para sa mga university at college, P7 bil­yon para sa tech-voc, P15 bilyon para sa tertiary edu­cation subsidy (TES), P1 bilyon para sa student loan program, at iba pa.

Para makapag-avail po ng free tuition at miscellaneous fee, kaila­ngang makapasa sa admission at retention requirement ng eskuwelahang papasukan, wala pang ibang undergra­duate degree at hindi rin overstaying student.

Tinanggal din ang income requirement na kinakailangan para ma­ging kuwalipikado sa programa. Iyon naman pong may kakayahan o financially-able students, maaari pong mag-opt-out o hindi na sumali sa programa.

Sa kababayan po na­ting hindi pa rin sapat ang free tuition at school fees, mabibigyan din po sila ng allowance o stipend.

Ayon sa CHED, may makukuhang P40,000 ang mga mag-aaral sa state university at P60,000 naman kung naka-enroll sa private university kada taon. Hahatiin po ito sa loob ng 10 buwan.

Naniniwala po tayong ang libreng matrikula at miscellaneous fee ay tulong-trabaho sa atin­g kababayan. Kung lahat ay may oportunidad para makapagkolehiyo o tech-voc, mas marami ang magkakaroon ng tyansa para makakuha ng magandang trabaho at umasenso sa buhay.

Job Fair Schedule

Gitagum 57th Foundation Anniversary Job Fair
Gitagum Municipal Ground
Gitagum Misamis Oriental

Related Posts

June 5

Floridablanca Job Fair
Floridablanca Sports Complex
Brgy. Poblacion, Flo­ridablanca, Pampanga

June 4

LGU-Gubat, Sorsogon Job Fair
Rolando Andaya Multi-Purpose Gymnasium
Gubat, Sorsogon

June 5

DMMMSU – Mid La Union Job Fair
DMMMSU Mid Co­vered Court
Catbangen, San Fer­nando City

June 7

PESO-Silay City Job Fair
Sen. Jose C. Locsin Cultural and Civic Center
Silay City, Negros Occidental

June 7

Cebu City PESO Job Fair, Brgy. Tisa

June 8

PESO Carmen Job Fair
Carmen Municipal Gymnasium
Carmen, Davao del Norte

June 8

(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)