Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Libreng COVID testing sa Taguig puwede parehistro sa TRACE

0 255

Mas maginhawa na ang pagpapatala ng mga residente ng Taguig City para sumailalim sa libreng COVID-19 testing.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, layon nito na mapadali at gawing maginhawa ang paghahatid nila ng nasabing serbisyo para sa kanilang mga residente.

Dagdag ng alkalde, nag-aalok ng libreng COVID-19 testing ang 31 health center sa lungsod, dalawang drive-thru testing site sa Lakeshore at BGC , Park N’ Test sa Vista Mall Parking Building, Taguig Mega Swabbing Facility sa CP Tinga Elementary School at Mobile Testing truck.

Sinabi ni Cayetano na ginagamit nila ang bagong teknolohiya para mapabilis ang paghahatid ng kanilang serbisyo at programa sa mga taga-Taguig City.

“We make sure that our services can be accessed by all Taguigeños from different walks of life,” ani alkalde.

Sa kasalukuyan, nangunguna pa rin ang Taguig sa hanay ng mga lungsod sa Metro Manila na nakapagsagawa ng pinakamaraming bilang ng COVID-19 testing.

Hanggang noong Oktubre 30, 2021, umabot na sa 221,347 RT-PCR tests o katumbas na 22.42% ng populasyon ang naisagawa sa siyudad. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.