Una sa Balita

Libreng bigas sa mga sundalo

By
0 1

Alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, simula Oktubre ay kasama din na tatanggap ng rice subsidy mula sa pamahalaan ang pamilya ng mga sundalo, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ayon kay Diokno isa sa direktiba ni Pangulong Duterte ay isama ang pa­milya ng mga sundalo bilang mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), bu­nga nito ay kasama din natatanggap ng 20 kilo kada-buwan na bigas ang mga sundalo.

Sinabi ni Diokno na ang hakbang ng pamahalaan ay bahagi pa rin ng hangarin ng administrasyon na matiyak na may maayos na pamumuhay ang mga sundalo. Tiyak umano na sa libreng bigas ay makatutulong para sa budgeting ng gastusin kada-buwan.

Abante Hiring – IT dep

Ipinaliwanag ni Diokno­ na sa huling quarter na sisimulan o sa Oktubre kung saan bibigyan ng food stub o coupon ang mga be­neficiary na maaari naman ipalit o kunin ang rice subsidy sa mga authorized retailer ng National Food Authority (NFA).