Una sa Balita

Libreng Batang Pinoy seminar para sa publiko – Malbog 

By
0 55

BAGUIO CITY (via AMA Computer College) – Inaanyayahan ng Philippine Sports Commission sa pamamagitan ni Philippine Sports Institute grassroots deputy director Marlon Malbog ang mga coach, trainor, magulang at publiko na lumahok sa makabuluhan at napapanahong libreng PSC-PSI Sports Science Series Batang Pinoy Finals 2018 Seminars sa Department of Education Training Center sa kabiserang ito ng Benguet.

Nagsimula na noong Lunes, Setyembre 17 at tatagal ng 5 araw o hanggang Biyernes, Set. 21, nakapaloob dito ngayon ang mga pagtalakay sa Strength and Conditioning ni Nathan Futalan, XPS sa alas-11:00 ng umaga hanggang alas-12:30 ng tanghali; First in Sports ni Clarissa Bañares, RN sa alas-12:30 ng tanghali-alas-2:00 ng hapon.

Physiology ni Luis Cosepsa sa alas-2:00 n. h.-alas-3:30 n.h. Break muna para sa snack ng alas-3:30 n.h.-alas-4:00 n.h. bago ang pananalita ni Marco Ayuse RPM sa alas-4:00 n.h.-alas-5:30 ng hapon sa Sports Psychology; at Sports Nutrition na si Mary Jane Serapion RND speaker sa alas-5:30 ­n. h.-alas-7:00 ng gabi.

May libre mga meryenda at tanghalian. Nagkakaloob din ang PSC-PSI ng sertipiko sa kada tapos ng isang paksa para sa mga dumalo.

“Batang Pinoy dele­gates were receptive and were very interested in every topic handled by our partner experts,” pahayag kahapon ni Malbog. “It is also a good indication that applying sports science and sports medicine in training an athlete will be seriously considered especially by coaches.”

Sa mga interesado, pumunta lang sa lugar at madagdagan ang kaalaman sa sports. Pwede ring makipag-ugnayan lang kina Joanne Laygo Limon, Mylene Velasco Lyba at Edwin Llanes sa mga celfone na 0916-377-0510, 0915-585-5932 at 0917-344-4706.