Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Libreng abogado, maayos na benepisyo sa mga sundalo, pulis sinulong

0 41

Isa sa mga tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) ay ang pag-alaga sa mga pulis at sundalo.

Nagpasalamat ang pangulo sa Kongreso dahil sa pakikipagtulu­ngan upang maipasa ang mga batas para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng modernization program.

Binida rin ng pangulo ang pagtaas ng suweldo sa mga militar, pulis at uniformed personnel noong 2018.

“I am asking Congress to pass a unified system of separation, retirement and pension of military and uniformed personnel to maintain government fiscal flexibility and provide adequate benefits to our men and women in uniform,” ayon sa Pa­ngulo.

“…To help them from charges arising from incidence related to the performance of official duty,” lahad pa ng Pangulo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.