Una sa Balita

Libre libing para sa lahat – Duterte

By
0 827

KASAMA ang libreng pagpapalibing sa lahat ng mga mamamayang Pilipino sa ilalim ng nilagdaang Universal Health Care Act.

Ito ang nilinaw ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte mula sa pagbibigay ng health care hanggang sa pagpapalibing ng mga nasawi nang magtalum­pati noong Marso 13, 2019 sa campaign rally ng PDP-Laban sa Don Faustino L. Dy Memorial Coliseum, Cauayan City.

“We promised you Universal Health Care. Nandiyan na. Ang hindi ko lang na-promise sa inyo kasi ayaw ko, parang it leaves a bad taste in the mouth to say it, na pagkatapos ng health care, lahat ng patay libre na rin ang libing,” ayon kay Duterte.

Hindi lamang umano niya diretsong masabi dahil baka masamain ng taumbayan.

“Pangit pakinggan eh. I know that people will appreciate it lalo na ‘yung matatanda na may sakit, at least sabihin niya, ‘Sige paalamin mo lang si Duterte namatay na ako,’” dagdag pa ni Duterte.

Sinabi ng Pangulong Duterte kaya nga universal, dahil lahat doon ay kasama na pati pagpapa­libing.

Nabatid na sa nilagdaang batas, nangangaila­ngan ng P257 bilyon para sa implementasyon nito.

Ang lahat umano ng mamamayang Pilipino ay awtomatikong magkakaroon ng access sa health care.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy