Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Libong trabaho lilikhain ng UP-PGH Quezon City

0 153

Suportado ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor ang panukalang pagtatayo ng P21.3 billion University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) sa Diliman, Quezon City.

Bukod sa magkakaroon ang publiko ng dagdag na world-class charity hospitalization at outpatient services, sinabi ni Defensor na makalilikha ito ng 3,400 dagdag na permanenteng trabaho.

“We’ve gone over the project details, and the hospital alone will create 1,500 new full-time occupations for medical and allied healthcare staff plus 1,900 new fixed positions for general admi¬nistrative workers,” sabi ni Defensor.

Libo-libong trabaho rin umano ang malilikha simula sa konstruksyon ng mga gusali, building at equipment maintenance, cleaning at security services bukod pa sa mga maliliit na negosyo na magsusulputan sa paligid ng ospital.

Ang panukalang 700 bed university teaching and research hospital ay lalagyan din ng College of Medicine. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.