Una sa Balita

Libong sako ng bigas na galing China nasabat sa Bulacan

By
0 182

PITONG bodega sa Bulacan ang sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) na hinihinalang imbakan ng mga bigas, kung saan nakita ang ilang libong sako ng bigas mula sa China.

Nagulat ang mga awtoridad sa natuklasan nilang ilang libong sako ng bigas na may nakatatak sa sako na galing China.

Nagtataka ang BOC kung papaano nagkaroon ng mga bigas galing China samantalang sa Thailand at Vietnam lamang umaangkat ang bansa.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad at inaalam ang pagkakakilanlan ng may-ari ng bodega upang maimbestigahan at mapanagot ang mga taong kasabwat o nasa likod ng pag-iimbak. (Mina Aquino)