Una sa Balita

Libong runners tumugon sa Pasig River run 

By
0 86

Mahigit 1,000 runners ang gumising nang maaga para makibahagi sa Puso Para sa Ilog Pasig Run sa University of Makati Stadium kahapon ng umaga.

Ikinasa ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa pakiki­pagtulungan ng Maynilad, U-Mak at Makati LGU, layon ng free event na mapukaw ang interes ng publiko para makibahagi sa rehabilitasyon ng Pasig River.

Sa registration at pamimigay ng free race kits na nagsimula alas-4:30 ng umaga, hinimok ang participants na magdala ng sarili nilang reusable water bottles. Clean-as-you-go pa ang fun race pagkatapos.

Pinakawalan ang karera ng 5 a.m.

“This is not only fun but also, a family oriented way of showing our deeper involvement in rehabilitating the Pasig River,”  pahayag ni PRRC executive director Jose Antonio Goitia.
May inorganisa pang zumba session ang PRRC para sa mahihilig sa dancing. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy