Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Libong residente sa Hong Kong ni-lockdown

0 360

Kandado sa kanilang mga bahay ang mga residente ng isang distrito sa Hong Kong dahil sa unang beses na pagpapatupad ng lockdown ng naturang bansa.

Sa nilabas na pahayag ng HK government, inutusan ang mga nakatira sa ilang lugar ng Jordan sa Kowloon peninsula na manatili sa kanilang mga tahanan ng 48 oras o dalawang araw.

Ito’y habang isinasagawa ang COVID-19 testing sa mga residente para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ayon kay HK Environment Sec. Wong Kam-sin, iniimbestigahan sa lugar ang mga tubo ng tubig kung posibleng naapektuhan ito ng new coronavirus.

Dahil dito, sarado din ang mga kalsada papasok ng mga naka-lockdown na lugar sa Hong Kong.

Leave A Reply

Your email address will not be published.