Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Libong puslit na paputok winasak

0 115

Sinira ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Davao ang tinatayang 1,000 kahon ng mga paputok upang maiwasan ang posibleng pagsabog sa bodega sa Sasa Wharf, Davao City.

Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng BOC Port of Davao, Philippine National Police (PNP) at Davao City Explosive Ordnance and Canine (EODK9) Unit ang mga paputok na natukoy na iligal ang importasyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay BOC Port of Davao District Collector Atty. Erastus Sandino B. Austria, ang mga paputok na ipinuslit sa lokal na pamilihan ay magdudulot ng panganib sa mga komunidad.

Sa imbestigasyon, ang nasamsam na paputok ay unang idineklarang bilang mga cleaning ball, plastic craft, flashlight at plastic covering. (Mina Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.