Una sa Balita

Libo-libong isda lumutang sa Oriental Mindoro, mga netizen nagdasal

By
0 1,607

Nanalangin ang mga netizen na walang maganap na ano pa mang trahedya matapos libo-libong isda ang lumutang sa karagatan sa Oriental Mindoro sa gitna ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Binahagi sa Facebook ng isang residente mula sa Brgy. Lumangbayan ang ilang litrato kung saan makikita ang mga residente na pinupulot ang mga nagkalat na isda sa baybayin.

Ayon kay Rhoma Rabino BaliΓ±a, normal aniya ang high at low tide pero first time niyang naranasan na libo-libong buhay at patay na mga isda ang lumutang sa kanilang lugar matapos bumaba umano ang sea level.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More