Una sa Balita

Libel ikunsiderang krimen – Jiggy

0 370

NANINIWALA si senatorial candidate at dating TV journalist na si Jiggy Manicad na dapat pa ring ikunsiderang krimen ang kasong libel o paninirang puri.

Itoy kasunod ng kontrobersyal na pag-aresto kay Rappler Chief Executive Officer (CEO) Maria Ressa kaugnay ng kinahaharap nitong cyberlibel case sa isang artikulong inilabas sa online news portal noong 2012.

Sa isang senatorial debate, ipinahayag ni Manicad na dapat manatiling krimen ang paninirang puri upang wala na aniyang maabusong mamamahayag.

“Dapat pong krimen siya para wala pong pang-aabuso sa hanay nating mamamahayag,” ani Manicad.

Sa huli, sinabi ni Manicad na ang korte pa rin ang huling sasagot sa kasong kinahaharap ni Ressa.
“Nasa korte na ‘yan at dapat niyang patuna­yan ‘yung kanyang kaso,” sabi pa nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy