Una sa Balita

LGU na palpak sa clearing ops tumaas pa

0 372

Inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sa halip na bumaba ay tumaas pa ang bilang ng mga local government unit (LGU) na pinadalhan nila ng show cause order makaraang mabigo sa ‘clearing operations’ sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa presscon sa DILG nitong Martes, sinabi ni Undersecretary Jonathan Malaya, mula sa dating 97 ay umakyat sa 101 na LGU ang kanilang pinagpapaliwanag na hindi nakatugon sa taning na 60 araw na clearing operation.

Ayon kay Malaya, bagsak ang 101 na LGU sa isina­gawang evaluation sa kanila ng kagawaran base na rin sa personal na assessment ng mga tauhan ng DILG. Ang nasabing bilang ay mula sa 1,516 na LGU sa buong bansa na nagsumite ng kanilang accomplishment report matapos ang 60 araw na taning.

Aniya, nakapagtala sila ng 22 percent na pagtaas sa mga ‘low-compliant’ na LGU habang 28 percent sa ‘medium-compliant’.

Matapos maipalabas ang show cause order ay hihintayin ng DILG ang magiging tugon at paliwanag ng mga lokal na opisyal bago sila tuluyang sampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy