Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LGBT leader, 30 pa dinakma

0 476

Dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang lider ng LGBT at may 30 miyembro nito matapos ang isinagawang kilos protesta kahapon ng umaga sa Mendiola, Maynila.

Dinala sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang LGBT group sa pangununa ni Rey Valmires Salinas para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

Nabatid na alas-11:40 ng umaga nang mag-rally sa Mendiola ang grupo ng ” Pride March Protesters ‘ upang igiit ang kanilang karapatan.

Unang nagkagirian ang mga pulis at ang grupo ng LGBT kasunod nito ay dinala na ang grupo sa presinto.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Bayanihan Heal as One Act kaugnay sa probisyong may kinalaman sa pagbabawal ng mass gathering.

Samantala, kinondena ng Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat ang isinagawang dispersal at illegal na pag aresto sa mga ‘Pride March Protesters’

Iginiit ni Cullamat na mapayapa naman umanong isinagawa ang protesta at sinunod ang mga health protocol ng grupo kaya walang basehan ang pag-aresto sa mga ito. (Juliet de Loza-Cudia/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.