Una sa Balita

LGBA series: 4 breeder angat

0 254

MAY tatlong panalo sa gayung daming sultada ang apat na gamefowl breeder sa opening round ng 2020 LGBA Cocker of the Year series nitong Biyernes sa Pasay City Cockpit.

Bibira ang round two para sa Luzon Gamecock­ Breeders Association (LGBA) members sa Biyernes, Pebrero 21 habang sa Peb. 28 ang grand finals.

Ayon nitong Linggo kay LGBA president Nick Crisostomo, isang 7–cock derby ang unang leg na mga suportado ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Abante sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Hector Magpantay ng Hammer Dewormer, Boy Tanyag ng CRB at Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores ng Team Jared Guadalupe.

May 2.5 pt. ang RM San Vicente entry, habang umiskor ng tig-dadalawang mga panalo sina Tony Antonio, Joseph Chua, Rey Magbuhos, Jimmy Junsay, Jimmy Gosiaco, Jun Sevilla, Doc Ayong Lorenzo, KMC brothers, Wilson Go, Bok de Jesus, Gerry Escalona at Rep. JB Bernos.

Sa ibang detalye pa, kontakin sina Erica at Ace sa 0945-4917-474, 0939-4724-206, 8843-1746 at o sa 8816-6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More