Una sa Balita

LGBA Series: 3rd leg sa Pasay ngayon

By
0 248

NAGHIHINTAY ang masayang labanan para sa mga apisyonado ng Pasay City Cockpit sa ilalargang ‘Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) 5-Bullstag Derby’ ngayon, Biyernes, Apr. 12.

Bukod sa sagupaan ng North at South Luzon gamefowl breeders, malalaman din ngayon sa third leg ng LGBA series ang 2019 LGBA Cocker of the Year.

Cash prizes at tropeo mula sa Sagupaan Agricultural Products, Inc. ang naghihintay sa mga awardees: team champion, individual champion at 2019 LGBA Cocker of the Year (top 10 winners).

Naghahanda na rin ang LGBA sa LBC Cup 9-Stag Derby (early bird), ani LGBA president Nick Crisostomo.

Samantala, kasado sa PCC sa Lunes, April 15 ang ‘Laguna Gamefowl Breeders Association (Lagba) 4-Cock Derby’.

Mula 90 hanggang 100 sultada ang inaasahan dito.

Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy