Una sa Balita

LGBA Finals sa October 21

0 363

LALARGA bukas, Lunes, October 21, ang finals sa second leg ng “Luzon Gamecock Breeders Association Breeder of Year” stag circuit sa Pasay City Cockpit.

Inaasahan ang 70 sultada sa 4-stag finals bukas hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Naiposte ang 27 at 43 entries sa 3-stag elims noong Oct. 14 at 18, ayon sa pagkakasunod.

Limang entries pa lamang ang may tatlong panalo sa second leg, ani LGBA president Nick Crisostomo.

Samantala, kasado na sa Pasay Cockpit ang “Encuentro 6-Stag Derby Part 3” (144 sultada) sa Nov. 7.

Ang mga team: Sagupaan, King Slasher, Experto, Legends, Thor, Black Rooster, Mad Science at Kai Chon Hercules. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy