Una sa Balita

LGBA champion makikilala ngayon

By
0 706

MAKIKILALA ang first leg champion (7-cock derby) ng 2019 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series ngayon, Biyernes, Peb. 22 sa Pasay City Cockpit.

Kakasa sa 4-cock grand finals nga­yon handog ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 ang 75 qualifiers (3 points, 11; 2.5 points, isa; 2 points, 33; 1.5 points, anim at 1 point, 24).

Dahil sa dami ng entries, umabot sa P1.3 milyon ang premyo, ani LGBA president Nick Crisostomo.

Bitaw ang second leg (7-bullstag derby) ng LGBA series sa Mar. 11, 18 at 25 kasunod ang final leg (Encuentro 5-bullstag derby) sa Abril 12.

Samantala, inaasahan ang 120 sultada sa Pasay Cockpit sa Mar. 1, ang “Tiger Shark and NML San Luis Big Event 6-Cock Derby” nina engineer Celso Salazar at Tony Lasala.

Dinumog ang 171 sultada sa PCC noong Peb. 8, ang “Bulldog Big Event 6-Cock Derby”.

Sa detalye: 0945-491-7474 ­(Erica); 0939-472-4206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy