Una sa Balita

LGBA 8-stag derby sa Pasay

0 157

Tampok ang 8-stag derby sa ikatlong leg ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) stag circuit sa Sept. 29, Oct. 2 at 6 sa Pasay City Cockpit.

Naiposte na ang bagong record na 574 entries sa circuit sa tulong ng Sagupaan Complexor 3000.

Gagamitin ang 3-5 format (elimination at finals) at sa Huwebes, Sept. 28, ang submission ng timbang sa PCC office.

Pito ang kampeon sa second leg derby noong Biyernes sa naitalang 6–1 panalo-talo.

Sila ay sina Arch. Peter, Pete at Mike Buendia (Buenas Dias), Biboy Enriquez (Firebird), Nestor Vendivil (Oliver Chopper 1), Honey Yu (King Slasher 88), Ogie Simon (Ogie Meng Ronald), Kevin Dimayuga (Windjammer KD Rapido) at Cyril Canares (Alekos).

May 5.5 puntos sina LGBA president Nick Crisostomo (Mang Nick RVM and Partners Nov. 30 SMCA) at Edward Lee (Edward’s Farm).

Sa ibang detalye: 0917-5281846 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy