Una sa Balita

LGBA 7-stag derby sa Pasay ngayon

0 481

MGA nanalong stag sa ‘early bird’ derbies ang isasalang sa “2019 LGBA Breeder of Year” race na sisimulan ngayon, Biyernes, Sept. 6 sa Pasay City Cockpit.

Host ang Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) sa tulong ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 sa 7-stag derby ngayon, una sa three-leg series na magtatapos sa grand finals sa Oct. 28.

Sina Jimmy Junsay at Dennis Reyes (Sto. Nino Guadalupe Jared) ang nanalong 2018 LGBA Breeder of the Year matapos makaipon ng 17.5 points.

Ngayong taon, ang LGBA Breeder of the Year top 10 finishers ay tatanggap ng cash prizes at trophies, ani LGBA president Nick Crisostomo.

“For the first leg alone (Sept. 6, 9, 13, 16 and 18 and Oct. 3, 7 and 11) a guaranteed prize of P5 million awaits the winners,” ani Crisostomo.

Sasagupa ang ikalawang grupo ng 60 sultador sa Lunes, Sept. 9 (90 hanggang 100 sultada).

Kontakin lamang ang 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy