Una sa Balita

LGBA 7-bullstag derby sa Lunes

0 721

ISANG 7-bullstag derby ang tampok sa second leg ng 2019 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the  Year series sa Lunes, Mar. 11, sa Pasay City Cockpit.

Humatak ng 91 entries ang unang leg nitong Pebrero sa pangu­nguna ng double champions na sina Joven at Jess Mateo (Jubilum at Ninety One), umiskor ng 12 panalo sa 14 sultada.

Co-champions sina Hermie Pagtalunan (Franzopia), Jed Antonio (Jedi Master), Allan Chan (WWW) at Alex/Aristotle Aguirre (Lightning Blade Alexa).

Mas matindi ang se­cond leg (Mar. 11, 18 at 25), ani LGBA president Nick Crisostomo, dahil ilalaban ang mga winner mula sa 2018 LGBA Breeder of the Year series, ‘Bakbakan’ 12-Stag National Derby at ‘Digmaan’ National 11-Stag Derby.

Suportado ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 and 2019 LGBA ‘Cocker’ race na magtatapos sa third leg sa Abril 12 (Encuentro 5-Bullstag Derby).

Samantala, 100 sultada ang nakalinya sa Biyernes, Mar. 8, sa Pasay Cockpit (“PL2 Malainin 5-Cock Derby”).

Ikinasa ang 132 sultada noong Marso 1.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy