Una sa Balita

LGBA 2nd leg finals lalarga mamaya

0 250

PAMUMUNUAN ni World Slasher Cup veteran Rick Tamboong ang Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) 7-Stag Derby finals second leg sa araw na ito sa Pasay City Cockpit.

Kasama ni Tamboong ang apat pa ang may tatlong panalo sa 4-stag finale ngayon sa mga suportado ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Sila ay sina WSC champs Honey Yu ng Princess Bernice at Anthony Lim ng Lucban, Jun Sevilla ng JRS San Pioquinto 2 at Jess/Joven Mateo ng Jubilum 3K.

Nakatrangko rin si Tamboong sa mahigpitang laban para sa LGBA Breeder of Year stag circuit sa nalikom ng 9.5 points.

Hinayag Linggo ni LGBA president Nick Crisostomo, na baka malinawan na ang top sa standings para sa Breeder of Year race tapos ng mga salpukan ngayon.

Kasado rin sa PCC ang “Encuentro 6-Stag Derby Part 3” sa Nov. 7 na may 144 mga sultada at “Miggy Big Event 6-Stag Derby” ni Michael Tiqui sa Nov. 8 humigit-kumulang 100 mga siyapol ang mga inaasahan.

Ang mga koponan sa ‘Encuentro’ ay ang Sagupaan, King Slasher, Experto, Legends, Thor, Black Rooster, Mad Science at Kai Chon Hercules. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy