Una sa Balita

Leyte niyugyog ng higit 800 aftershocks

By
0 108

Pumalo na sa mahigit 800 bilang na mga aftershock ang naitatala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na patuloy na nagbibigay ng takot sa mga residente ng Leyte.

Ayon sa Phivolcs, patuloy na makakaranas ng paggalaw ng lupa ang lugar at walang makapagsasabi kung kailan ito hihinto kaya paalala sa mga residente na iwasan na lamang ang mag-pa­nic upang maiwasan ang anumang disgrasya.

Tuluy-tuloy umano ang mga nararamdaman na aftershocks kaya nagkakaroon ng takot ang mga tao at nagpa-panic kaya nakiusap ang Phivolcs sa mga tao na ma­ging kalmado lang.

Samantala, patuloy na rin ang pagpasok ng mga tulong na ibinigay ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga pamil­yang labis na apektado ng nagdaang lindol.

Sa tala ng Department of Social Welfare and Development, aabot na sa P3 milyong halaga ng mga kagamitan at supply ng relief goods ang naipamahagi na sa relief efforts. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More