Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Leylah preparado sa Aussie Open

0 61

PUKPOK na ensayo para sa nalalapit na 2022 Australian Open sa susunod na linggo si Filipino-Canadian tennis player Leylah Fernandez.

Isang larawan at video ang ipinasilip ni Fernandez sa kanyang Instagram nitong Biyernes kung saan makikita ang pag-eensayo nito kasama si World No. 1 Ash Barty ng Australia sa Rod Laver Arena.

“Aussie Aussie Aussie! Thanks for the great practice @ashbarty,” caption ni Fernandez, kasalukuyang World No. 24.

Pumuwesto bilang pang-23rd seed si 19-year-old Fernandez sa Australian Open women’s singles event at makakaharap sa opening round si Aussie netter Maddison Inglis.

Magsisimula ang main draw ng Australian Open sa Enero 17. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.