Una sa Balita

Lewton hari ng Philippine Open

By
0 10

Kinalos ni Steve Lewton si Johannes Veerman sa playoff para angkinin ang titulo ng 99th Solaire Philippine Open kahapon sa Sta. Rosa, Laguna.

Nagtala si Lewton ng 75 sa regulation at naging kauna-unahang Englishman na nanalo sa pinakamatandang National Open sa Asia.

“I’m very, very happy for my victory. This is my first here and I will never forget it. This is memorable,” saad ni Lewton.

Hindi inaasahan ni Lewton na manalo dahil hindi nito kabisado ang course, nagmintis pa sa 15-footer para sa par sa mahirap na par-4 18th sa regulation.

“I didn’t expect to win because I am not familiar with the course. I just played my game and luckily made it,” hayag ni Lewton.

Ibinulsa ni Lewton ang $72,000 sa event na inisponsaoran ng Solaire Resort and Casino, nag-uwi si Veerman ng $40,000.

Kumana si Miguel Tabuena ng Pilipinas ng eagle sa No. 10 pero nag-bogey sa No. 16 para sa 74.

Tumapos ang 2015 Open winner (Luisita) sa fifth katabla si American Brett Munson sa tig-292 points.