Una sa Balita

Lewinsky nawindang! Nag-imbestiga kay Clinton, abogado na ni Trump

0 379

NAGULAT ang marami nang ianunsyo ang pangalan ng mga abogadong magtatanggol kay President Donald Trump sa impeachment hearing ng US Senate.

Isa sa nagkomento ay si Moni­ca Lewinsky, ang dating intern ng White House na nagkaroon ng relasyon kay dating President Bill Clinton at naging ugat ng kanyang impeachment noong 1998.

Si Ken Starr na siyang nag-imbestiga sa naging relasyon nina Clinton at Lewinsky, ay bahagi na ngayon ng defense team ni Trump.

“This is definitely an ‘are you f***king kidding me?” tweet ni Lewinsky.
Hindi na nagbigay ng paliwa­nag si Lewinsky sa kanyang tweet.

Dahil sa ginawang imbestigas­yon ni Starr, na-impeach si Clinton dahil sa pagsisinungaling under oath sa federal grand jury at obstruction of justice. Inabsuwelto naman siya ng Senado noong Pebrero 1999.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More