Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR

0 10

Dear Editor,

Base sa mga nabasa ko patungkol sa panibagong grupo na kilala sa tawag na Meranaw Victims Movement, sila ay naglalayong patalsikin sa Marawi ang mga damuhong mga miyembro ng Maute Group. Sila raw ay mga bakwit na ang gusto lamang ay maibalik sa kanila ang kanilang bayang sinilangan na nilapastangan at sinira ng naturang teroristang grupo. Naiinitindihan ko ang kanilang mga sentimyento. Kahit siguro naman ako ang lumagay sa kalagayan nila, baka maisipan ko ring maghiganti laban sa mga teroristang ito.

Kaya lang, sa isang banda, nakakabahala. Naisip ko lang kasi, ‘bakwit’ sila ‘di ba? May kakayanan ba ang mga bakwit or EVACUEES na magkaroon ng mga armas eh gayong nabiktima na nga sila sa digmaang nagaganap sa Marawi. Hindi ba ang latest account eh halos walang natira sa ari-arian nila? Nakakapagtaka ang grupo na ito. Maaaring sumasabay sila sa bandwagon at ginagamit pa ang identities ng mga inosenteng mga kapatid nating bakwit. Dapat subaybayan ang grupo ito ng ating mga awtoridad, lalo na ng local na pamahalaan ng Marawi at ng AFP.

Zenaida Koritana

Dear Editor,

Yaay! New People’s Army has a new life. Watta a good news, isn’t it?

Former New People’s Army (NPA) rebels who decided to leave the armed struggle are starting a new life. They are receiving assistance under the government’s Comprehensive Local Integration Program (CLIP). Each of the 14 rebel returnees received P65,000 for livelihood as part of the province’s and the Department of Interior and Local Government (DILG)’s reintegration program. This program is such a big help for them to start a new chapter of their lives. I hope in time, there will be more rebel returnees to look on the good and positive side of surrendering which could help them to change and start a new life.

Mackie Lorenzo

Sto. Tomas

Dear Editor,

Sang-ayon ako sa pagbabalik ng mandatory ROTC para sa mga kabataan. Ito ay hindi sapilitan kundi ito ay isang voluntary program. This program could also help them to motivate their desire to help and serve the country. Ang ROTC program na ito ay maaring magamit din nila bilang stepping stone kung sila ay nagnanais na pumasok sa mundo ng military. At isa pa, ito ay isang napakagandang programa kung saan matututo at mahahasa sila maging isang disiplinadong kabataan.

Mackie Lorenzo

Sto. Tomas

Dear Sir:

Klinaro ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi Islam ang kalaban ng mga Pilipino sa kabila ng patuloy na sagupaan sa Marawi City. Tinawag niyang ‘Alien Ideology’ ang paniniwala ng mga teroristang Maute-ISIS group. Nagbitaw pa ng salita ang Pangulo na bilang Moro siya ang unang kukundena sa mga ito dahil alam niyang hindi sila ang kalaban ng mga Pinoy.

Bilang isang Kristyano, sang-ayon ako sa sinabi ni Tatay Digong. Hindi ko tinitingnan bilang terorista ang mga kapatid nating lubos na naniniwala sa relihiyong Islam. Tulad lang din ng pag-iisip ng mga makakaliwa, may ideolohiyang naitatak sa isipan ng mga taong yan na naging sanhi kung bakit iba ang pananaw na tinatahak at pinili nila. Ngunit hindi nangangahulugan na lahat ng Muslim ay masama o terorista. Gaya ng ideolohiya ng mga makakaliwa, mayroon din pinaniniwalaang ideolohiya ang mga teroristang ganid na upang ipaglaban ang sa tingin nila ay tama na kung susumahin naman talaga ay mali.

Nishen Avalde

Romblon