Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR

0 10

Dear Editor,

“There was no disrespect meant when Duterte, several officials and soldiers entered the Grand Mosque in Marawi with boots still on their feet”.

Wala akong nakikitang mali sa ginawa ng president, sundalo at kanilang mga kasamahan.

Hello!

Di ba’t alam naman nating ang Grand Mosque ay isa sa mga lugar na pinagkutaan ng mga Maute noong kasagsagan pa lamang ng karahasang kanilang idinulot sa Marawi?

Ang pagpasok nina Pangulong Duterte sa Grand Mosque ng nakasapatos ay isang pag-iingat lamang sa kanilang mga sarili at hindi pagpapakita ng kahit na anong kawalang respeto sa Islam. Maaa­ring may mga basag na bubog at mga nagkalat na bala ang nasa sahig ng mosque kaya’t walang mali kung pumasok sila doon ng naka sapatos pa.

Duuh! Why don’t you try to put your feet into the president’s shoes? Tingnan natin kung hindi ninyo gawin ang kanilang ginawa. Ikonsidera naman natin ang katayuan ng lugar at ang katunayan na napakadelikado ng lugar na kanilang pinapasok.

Isa pa rito ay hindi naman iyon araw ng worship kaya’t wala akong nakikitang mali at kawalan ng respeto sa kanilang ginawang pagpasok ng nakasapatos.

Ang mga bagay na ito ay hindi na dapat binibigyan ng masasamang kahulugan, bagkus ay bigyan na lamang natin ng paggalang at pagpuri ang katapangan na ginagawa ng ating president para sa bayan.

Mackie Lorenzo
Sto. Tomas

***

Related Posts

Dear Sir:

Isang libong piso para sa budget ng Commission on Human Rights. Maraming nabigla at maraming natuwa, mayroon nagtaka at mayroon rin nadismaya.

Kung ako ang tatanungin nararapat lang yan sa CHR. Dapat nga buwagin na yan. Paano ba naman, namimili pa ng kasong hahawakan ang mga yan. Kapag sundalo ang nakapatay ng mga adik, rebelde at tero­rista ididiin nila at pilit haha­napan ng butas.

Kung ang mga NPA naman, kriminal at mga adik ang pumatay ng sundalo o pulis tahimik lang sila. Kung tunay na para sa karapatan ng mamamayan ang nais ng CHR hindi dapat sila pumapanig sa iisang dimensyon lamang.

Kaya nga Human Rights diba? Dapat para sa lahat hindi yung masyadong halatang pinag iinitan at pinag didiskitahan nila ang mga otoridad. Dapat sa Commission on Human Rights palitan na lang ng Commission on Rebels and Criminal rights.

Dana Del Rosario
Camarines Norte

***

Dear Editor,

Isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf ang sumuko sa Tipo-Tipo, Basilan sa pagtutulungan nina Tipo-Tipo Mayor Arcam P. Istarul at Tipo-Tipo police chief Senior Inspector Mujahid A. Asmawil at ng Army’s 18th Infantry Battalion chief Lt. Colonel Manuel S. Valdez IV. Sumuko si Adzmin Namang Sabala edad 16 at may asawa.

Ang balitang ito ay nagpapahiwatig lamang na may mga miyembro ng grupo ang nais pa rin mamuhay ng mapayapa at tahimik. Mga taong nais ng iwan ang buhay na puno ng gulo at karahasan. Bilang isang mamamayan nais kong magpasalamat sa mga taong nasa likod ng pagsuko na ito. Dahil dito lugod kong inaasahan na sa mga susunod na araw ay mas maraming terorista pa ang susuko upang makamtan nila ang kapayapaan hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para na rin sa kani-kanilang pamilya.

Mackie Lorenzo
Sto. Tomas