Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR

0 9

Dear Sir:

Nakakataba ng puso na patuloy ang pagdating ng tulong para sa ating mga kababayan na apektado ng gyera sa Marawi City. Nagbigay ng mga buhay na baka bilang donasyon ang The Integrated Center for Alternative Development (ICAD).

Kinarne ito ayon sa Halal na pamamaraan at ipinamahagi sa ­Saguiaran evacuation centers sa Lanao del Sur sa ikalawang araw ng selebrasyon ng Eid’l Adha. Kung ilulugar mo nga naman ang sarili mo sa kalagayan ng mga taong nasa evacuation area ay talaga namang mahirap.

Mahirap matulog, mahirap maligo, mahirap gumalaw at lalong mas mahirap kumain ng mga de lata at noodles ng paulit-ulit. Kaya ang tulong na ito na masasabing naging bahagi ng ‘hot meals’ ay sadyang malaking tulong ang naibahagi sa ating mga kapatid na maranaon, kaya naman sana ay dumami pa ang mga tao, organisasyon at mga nasa industriya ang makapag paabot ng tulong sa mga bakwit.

Ang pagtulong sa ating kapwa ay isang patunay ng bayanihan na tatak na nating mga Pilipino. Dana Del Rosario Camarines Norte

***

Dear Sir:

Nabulilyaso ang malawakang tactical na offensive na plano ng New People’s Army sa North Cotabato. Nasa 20 assault rifles ang nakumpiska sa raid.May sumisilip ng kaliwanagan sa isipan ng mga mamamayan at dala na rin marahil ng pagkasawa nila sa mga krimeng ginagawa ng NPA, ngayon ay naglalakas loob na ang mga sibilyan.

Lakas loob nilang itiniktik sa awtoridad ang mga kahina-hinalang miyembro ng NPA. Sana ay tularan pa ito ng mas nakararaming ­sibilyan. Ito ang daan upang matigil na ang mga NPA sa kanilang pamemerwisyo sa ating lipunan. Itong simpleng pakikipagtulungan ng mamamayan sa ­awtoridad at militar ang siyang daan sa pagkalipol sa mga terorista at mga rebelde.

Owen Daez

Nueva Ecija