Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR — 10/25/2016

By
0 2

Sir/Ma’am Editor,

Ang marahas na rally sa US Embassy noong isang araw ay isa na namang pagpapakita na taliwas ang pagsuporta ng Bagong Alyansang Makabayan at Gabriela sa pagsuporta sa adhikain ng Duterte administration na magkaroon ng mapayapang pagra-rally at tila ang mga pulis pa ang sinisisi sa gulo na kanilang idinulot.

Sa imbestigasyon hindi lang ang nagprotesta ang nasaktan sa insidente kun’di mas marami pa sa hanay ng kapulisan kaya unfair rin naman ito sa MPD na ginawa lamang ang kanilang trabaho at pagbibintangan pa ng police brutality.

Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit may pla­card na “Junk and Refund All Other School Fees” ano naman ang kinalaman ng embahada ng Amerika sa ipinaglalaban nilang iyon?! Halatang-halata naman na walang kaugnayan ang kanilang isinisigaw, ngayon na may nasaktan masasabi nila na kulang pa ang ibinayad ng mga rebeldeng lider nila sa sakit ng katawan na kanilang natamo.

Kung magkapalit kaya, at si Renato Reyes ang maging pulis at makatikim din ng sandamakmak na palo mula sa mga nagpoprotesta, masasabi niya pa rin kaya na hindi dapat bayolente ang naging tugon ng kapulisan? Ang hirap sa ating mga Pinoy ang tingin sa tropa ng gobyerno ay imortal na pain at bullet proof na kahit paulit-ulit pukpokin at barilin ng rebelde ay hindi masasaktan at lalong hindi mamamatay.

Martin S. Estacio
Pasay City

***

Dear Sir,

Sa halip na dumanak pa ng maraming dugo, sana ay sumuko na lang ang mga Abu Sayyaf upang makapag-bagong buhay kasama ang pamilya lalo na at malapit na ang Pasko. Ito ang pahayag ng military sa gitna ng ipinatutupad na all-out offensive ng AFP laban sa grupo ng terroristang Abu Sayyaf sa Sulu.

Ayon sa aking nabasa sa dyaryo. Ito ay ang naging pa­nawagan ng Joint Task Force (JTF)-Sulu sa Abu Sayyaf sa kanilang pagbisita sa Basilan, Sulu, Tawi-tawi (BaSulTa) Sub-Regional Human Rights Commission. Kasama rin nila ang International Monitoring Team (IMT) sa pangu­nguna ng isang Malaysian military officer.

Maganda ang balita na ito ng militar. Sinabi pa nila na bukas sila sa sinumang magbabalik-loob sa pamahalaan at hindi lalaban sa awtoridad. Isang halimbawa nito ay si Pauji Asgari, isang Abu Sayyaf member na sumuko na lang ng maharan ng mga sundalo sa Sulu kamakailan.

Gabriel P. Toledo
Cabanatuan City