Una sa Balita

Letter to the Editor 09/24/2016

0 125

Dear Sir,

Majority of the Filipino people ay komporme sa ginagawa ni Pangulong Duterte sa kanyang war on drugs. Nasagad na ang mga peace loving ­citizens of the Philippines. Kaya nakita nila kay Pangulong Duterte ang kakayahang mamuno upang ­malinis ang bulok na sistema sa pamahalaan at sa ating ­society. Pero ang ilang mamamayan ay hindi komporme ­dahil marahil apektado sila sa nagaganap na pangyayari.

Talagang matinding-matindi ang problema sa drugs. Maraming mga personalidad ang ngayon ay nahuhubaran sa kanilang pagkatao. Inihahayag at isinisiwalat na ang kanilang koneksiyon sa ­illegal drugs. Tunay na nakapangingilabot. Sinakop na ang ating mga opisyales sa gobyerno at mga halal ng ­bayan sa pagpapalaganap ng droga sa ating lipunan at sila pala ang ugat ng kasamaan. Tama lang na oras na ngayon ng paghuhukom. Maiilantad na sa liwa­nag ang kanilang mga kabuktutan.

Kaya tama na po Sen. Leila De Lima huwag na po niyong palalain ang sitwasyon. Huwag na ­kayong humingi ng tulong sa United Nations na magkaroon ng imbestigasyon sa paratang niyong Extra-­Judicial Killings. Ito po ay ating problema hindi po dapat makialam ang ibang bansa sa paglutas ng ating ­problema. Kanya-kanya po tayong linis sa ating bakuran. Hindi po natin iaasa sa ibang tao na sila ang maglinis ng ating mga kalat.

Uulitin ko po pabor po ang majority na ­Pili­pino sa war on drugs ni Pangulong Duterte. Ako, ang ­aking pamilya at buo kong angkan ay sumasang-ayon sa pamamaraan ni Pangulong Duterte. ­Dahil marami po ang naging biktima sa karahasan ng dulot ng ­droga. Tutol po ang iba dahil napatay ng ­awtoridad ang kanilang mga mahal sa buhay na sangkot sa droga.

Maida A. Estrella
Malate, Manila

***

Meron ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamama­gitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito:

abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes). — Editor

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy