Una sa Balita

Letter to the Editor 07/21/2016

0 184

Mahal na Editor,

Sa pagkapanalo ni Rody Duterte bilang pangulo ay inakala ko na hindi na magpapatuloy pa ang AFP modernization dahil minsan na niyang sinabi na display lang ang mga fighter jets na una ng na-acquire ng unang administrasyon ngunit ayon na rin kay DND Secretary na si Delfin Lorenzana ay prayoridad pa rin ng pamunuan ni Duterte ang modernisasyon para mapangalagaan ang pambansang teritoryo lalo na ang ating karagatan.

Si Mi­riam Defensor Santiago man ang ibinoto ko noong nakaraang eleksyon ay masasabi ko pa rin na mahusay ang naging hakbang ng bagong admi­nistrasyon na ipagpatuloy ang magandang plano para sa ating sandatahang lakas.

Henry Garin

***

Related Posts

Dear Sir,

Bumawi si Sec. Yasay nang sabihin niya na hindi siya makikipag-usap sa kanyang counter-part sa China hinggil sa issue ng West Philippine Sea sa pamamagitan ng bilateral talks. Mabuti naman dahil ganoon din ang sabi ni Pangulong Duterte, “I will not trade territorial rights to China. Tribunal decision non-negotiable.”

Dagdag pa ni Sec. Ya­say, “rest assured that when we act, we will not violate the Constitution. We will uphold international law and the respect for the rule of law. Yan ang tunay na may prinsipyo. Hindi ‘yong sasabihin niyang ang Scarborough Shoal ay sakop sa international waters.

Tapos sa kanyang mukha ipinahalata pa niya na lungkot na lungkot siya sa desisyon ng PCA. No choice po kayo Sec. Yasay. Kailangan kampihan ninyo ang kapakanan ng sambayanang Pilipino at ng bansang inyong pinag­lilingkuran.

JOSELITO A. MAMARIL,
Pasay City

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More